Mahigit $200-M loan agreement para sa Mindanao rehab sinelyuhan na

0
47

Sinelyuhan na ng Pilipinas at Japan ang mahigit $200-M na loan agreement para sa konstruksyon at rehabilitasyon ng mga kalsada sa Mindanao.

Nilagdaan ang naturang kasunduan sa naganap na 8th high-level joint committee meeting sa pagitan ng Pilipinas at Japan sa Clark, Pampanga, kahapon.

Kabilang sa road project na ito ang konstruksyon, rehabilitasyon, at pagpapaganda ng 176.7 kilometers na kalsada na mag-uugnay sa Bangsamoro Autonomous Region sa mga trade centers sa Mindanao.

Ayon kay Finance sec. Carlos Dominguez, ang pamahalaan ng Japan rin ang nagbigay ng pinakamalaking pondo para sa rehabilitasyon ng Marawi.

Samantala, napagkasunduan rin ng Japan at ng Pilipinas ang paglagda sa isang supplemental loan para sa konstruksyon ng Davao City Bypass Road Project.