35.4 C
Manila
Friday, April 26, 2024

Bagong mall hours nagsimula na — MMDA

- Advertisement -

Nagsimula na ang bagong oras ng pagbubukas ng mga shopping mall na nadadaanan sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila.

Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, simula Nobyembre 5 hanggang Enero 14, alas onse na ng umaga magbubukas ang mga mall.

Sinabi ni Garcia na ito ay upang maibsan ang mabigat na daloy ng trapiko sa mga pangunahing kalsada sa kamaynilaan lalo na ngayong panahon ng kapaskuhan.

Napatunayan umanong epektibo ang nasabing traffic management plan matapos ipatupad ito nuong nakaraang taon.

Kaugnay nito, nabatid na hindi rin isasabay ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagsasagawa ng mga road construction sa holiday season.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -