Baguio City – Kinumpirma ng konseho ng lungsod ng Baguio ang pagtatalaga ni Ms. Liza D. Bulayungan bilang City Social Welfare and Development Officer (CSWDO) II ng Baguio City Social Welfare and Development Office.
Ito ay base sa Resolution No. 600, series of 2022, ng Committee on Ethics, Governmental Affairs and Personnel.
Bago ang mga ito, si Bulayungan ay naitalaga na mamuno ng City Social Welfare and Development Office dahil sa pagretiro ni Ms. Betty F. Fangasan noong Abril 2022.
Kung inyong maalala, nagselbi si Bulayungan bilang Assistant City Social Welfare and Development Officer bago maitalaga bilang officer-in-charge ng City Social Welfare and Development office bago magretiro si Fangasan.
Batay sa probisyon ng Republic Act (RA) 7160 o ang tinatawag na Local Government Code of 1991 at ng iba’t ibang pang civil service laws, ang mga namumuno ng iba’t ibang opisina ng lokal na gobierno ay nararapat na italaga ng City/Municipal Mayor at kailangan makumpirma ng karamihan sa mga miembro ng local legislative body, batay sa civil service laws, rules and regulations.
Ang Sangguniang Panlungsod ay dapat aksyunan sa loob ng 15 araw mula sa pagtanggap ng kopya ng appointment. Samantala, naibigay na ang kopya ng nasabing resolusyon sa pagkakatalaga kay Ms. Bulayungan. (Joel Cervantes, photo courtesy of LGU Baguio City)
