Ayuda para sa mga magsasakang apektado ng ECQ kasado na —DA

Ayuda para sa mga magsasakang apektado ng ECQ kasado na —DA

by Powered by DWIZ
69 views

Kasado na ang ayuda ng Department of Agriculture (DA) sa mga magsasaka na apektado ng enhanced community quarantine (ECQ).

Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, maliban sa cash assistance ng ahensya sa mga magsasaka, mayroon din silang pakikipag-ugnayan sa Land Bank of the Philippines para makakuha ng loan ang mga magsasaka.

Nakatakda anya nilang plantsahin ang guidelines para sa P25,000 loan para sa mga magsasaka.

Samantala, kumikilos na rin anya ang kanyang ahensya tulungan din ang mga mangingisda na apektado rin ng ECQ.

0 comment

Related Posts