COVID-19 cases sa mga lugar na ‘di sakop ng ECQ patuloy na nadaragdagan

COVID-19 cases sa mga lugar na ‘di sakop ng ECQ patuloy na nadaragdagan

by Powered by DWIZ
57 views

Patuloy na nadaragdagan ang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa mga lugar na hindi sakop ng enhanced community quarantine (ECQ).

Nakapagtala na rin ng unang kaso ng COVID-19 ang Calbayog City sa Eastern Samar.

Dalawa na rin ang naiulat na nasawi sa COVID-19 sa Western Visayas na kapwa mula sa Iloilo.

Samantala, umabot na sa 50 ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa rehiyon ng Davao matapos na may madagdag na dalawang bagong kaso.

May naitala ring anim kataong nasawi sa COVID-19 ang Davao Region.

Una rito, inihayag ni Davao City Mayor Sara Duterte na pinag-aaralan na nilang magpatupad ng ECQ sa kanilang syudad.

0 comment

Related Posts