Friday, May 10, 2024

Pag-angkat ng bigas upang matiyak ang sapat na suplay nito inirekomenda ng IATF

- Advertisement -

Inirekomenda ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pag-angkat ng 300-metriko tonelada ng bigas upang matiyak ang sapat na suplay sa panahon ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Karagdagan ito sa mga nakalatag nang importasyon ng bigas bago pa man ang COVID-19 pandemic.

Samantala, pinawi ni Agriculture Secretary William Dar ang pangamba na magkaroon ng kakulangan ng suplay ng bigas sa harap ng lockdown sa mga lalawigan na pangunahing pinagmumulan ng bigas.

Mismong ang pangulo anya ng Vietnam ang nagbigay ng katiyakan sa Pangulong Rodrigo Duterte na kikilalanin nila ang mga nauna nang kontrata para sa pag-export ng bigas sa Pilipinas.

Maliban sa Vietnam, maaari rin anyang mag-angkat ng bias sa Myanmar, India at China.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -