1,000 Pinoy isasalang sa phase 3 clinical trials ng ‘Sputnik V’

0
34

Tinatayang nasa 1,000 Pilipino ang inaasahang isasalang sa phase 3 clinical trials ng ‘Sputnik V’ —isang bakuna na gawa ng Russia laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon sa executive director ng Department of Science and Technology-Philippine Council for Health Research and Development (DOST-PCHRD) Dr. Jaime Montoya, posibleng masimulan na sa Setyembre ang sali ng Pilipinas sa clinical trial ng Russian vaccine.

Bago ito, tiniyak naman ni Montoya na kanila paring pag-aaralan ang magiging resulta ng phase 1 at 2 ng clinical trials ng ‘Sputnik V’.

Dagdag pa nito, ang pag-apruba sa naturang bakuna ay para lamang sa limitadong dami.

Samantala, tiniyak naman ni Montoya na ang mga pasyenteng isasailalim sa clinical trials ay papayag at bukal sa kanilang loob.

Bukod naman sa Pilipinas ay inaasahan ding makikilahok sa clinical trials ng ‘Sputnik V’ ang Brazil, Saudi Arabia at United Arab Emirates.