ATM fee hike pinaiimbestigahan

0
41

Pina-iimbestigahan na sa Kamara ang napipintong pagtaas ng Automated Teller Machine (ATM) fees.

Ito ay kaugnay ng naging desisyon ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na tanggalin na ang moratorium sa ATM fees.

Sa ilalim ng house resolution 210 na inihain ni Makati City Rep. Luis Campos Jr., nais nitong ipasilip sa kongreso ang naturang hakbang ng BSP.

Dahil sa naturang utos ng BSP, nagbabadyang tumaas ang ATM fees kung saan nais ng mga bangko na itaas sa 50% ang ATM fees.

Sa pagtataniya, posibleng pumalo sa 20 hanggang 30 piso ang isang single interbank withdrawal transactions na nasa kasalukuyang 10 hanggang 15 piso.

Sa ngayon, sinabi naman ni Campos na labis na maapektuhan ang aabot sa 4.1 million na minimum wage earners dahil sa kautusan na ito ng BSP.