PNP walang nakikitang basehan para sa nationwide martial law

0
39

Walang nakikitang sapat na basehan ang Philippine National Police (PNP) sa posibilidad ng nationwide martial law.

Ito ang naging reaksiyon ni PNP Spokesman Police Brig. Gen. Bernard Banac sa pangamba ng ilang mga grupo sa umano’y posibilidad ng deklarasyon ng martial law sa buong bansa, dahil sa mga banta ng terorismo sa Luzon.

Ayon kay Banac bagaman may banta ng terorismo mula sa ISIS ay nanatili naman itong confined sa Sulu at ginagawa na aniya ng AFP at PNP ang lahat upang  hindi na ito kumalat pa sa Luzon at Visayas.

Sa ngayon, tiniyak naman ni Banac na mahigpit pa rin ang ipinatutupad na seguridad sa buong rehiyon ng Mindanao.