Sunday, May 5, 2024

Associate Justice Bernabe nakipag-pulong kay Isko para sa gaganaping bar exam

- Advertisement -

Nakipagpulong si Associate Justice Estela Perlas Bernabe kay Manila Mayor Isko Moreno para humingi ng suporta sa gaganaping bar examinations ngayong taon.

Sa inilabas na larawan ng Manila Public Information Office, makikita na nag-uusap ang dalawa hinggil sa paghahanda sa eksaminasyon.

Ilan sa mga hinling kay Moreno at ang karagdagang ambulansya at seguridad sa University of Sto. Tomas (UST) kung saan gaganapin ang bar exams.

Kasama na rin ang pagpapatupad ng liquor ban at dagdag na first responders sa lugar.

Isasagawa ang bar examinations sa mga araw ng Linggo ng buwan ng Nobyembre.

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img