12 katao sugatan sa pagsabog sa Indanan Sulu

0
42

Aabot sa 12 ang sugatan habang patuloy pang kinukumpirma ang bilang ng mga nasawi sa nangyaring pagpapasabog sa kampo militar sa bayan ng Indanan sa Sulu.

Ayon kay Maj. Arvin Encinas, ang bagong tagapagsalita ng Wesmincom o  Western Mindanao Command nangyari ang insidente dakong alas onse kinse ng umaga kahapon.

Sinasabing hinagisan ng granada ang kampo militar na nakabase sa Barangay Tanjung sa nabanggit na lugar at batay sa paunang impormasyon, patay ang 3 sundalo at 1 bata na hindi pa matukoy ang edad.

Agad namang nagkasa ng Hot Pursuit Operations ang mga awtoridad upang tugisin ang mga nasa likod ng nangyaring pagpapasabog.