Sunday, May 5, 2024

ASF alert sa bansa mananatili

- Advertisement -

Mananatili ang African Swine Fever alert sa bansa.

Ito ang nilinaw ng Department of Agriculture (DA) makaraang magpositibo sa ASF ang ilang meat products na nadiskubre sa isang supermarket sa Quezon City.

Ayon kay Agriculture Secretary Willam Dar, hindi aalisin ang alerto hangga’t hindi natitiyak ng ahensya na ligtas na sa ASF ang mga karneng baboy sa Pilipinas.

Matatandaang inisyuhan ng ‘notice of closure’ ang North Star Meat Merchants Inc. bunsod ng kontaminadong karne nito na naka-display sa isang pamilihan noong Disyembre ng nakaraang taon.

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img