30.1 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

CHR umaasa na mas mapo-protektahan ni Robredo ang karapatang pantao bilang bagong co-chair ng ICAD

- Advertisement -

Umaasa ang Commission on Human Rights (CHR) na mas ma-poprotektahan ang karapatang pantao ngayong itinalaga na bilang co-chairman ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD) si Vice President Leni Robredo.

Ayon kay CHR Spokesperson Atty Jacqueline Ann De Guia, mas ma-oobserba na ang karapatang pantao maging ang pagiging transparent sa mga ikininakasang drug operations, imbestigasyon sa mga umano’y extrajudicial killings, illegal na pag aresto at iba pa.

Aniya, dapat na maging priyoridad ang mga lumalabag sa batas at dignidad ng isang tao.

Samantala, matatandaang tinanggap ng Bise Presidente ang posisyong inalok ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos nitong punahin na hindi epektibo ang war on drugs ng pamahalaan.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -