Friday, May 17, 2024

Asawa ng isang opisyal ng militar negatibo sa nCoV

- Advertisement -

Nagnegatibo na sa 2019 novel coronavirus acute respiratory disease (nCoV-ARD) ang asawa ng isang opisyal ng militar matapos sumailalim sa serye ng mga test.

Ito ang inihayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana matapos nitong kumpirmahin na nakitaan ng sintomas ng 2019 nCoV-ARD ang nabanggit na asawa ng military official.

Ayon kay Lorenzana, kasalukuyang naka-confine sa AFP Medical Center o mas kilala bilang V-Luna Hospital sa Quezon City ang nabanggit na pasyente.

Tumanggi naman si Lorenzana na pangalanan pa ang nabanggit na military official—ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9).

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -