Araw na maaaring manatili ang mga Pinoy sa Cambodia pinalawig

0
52

Pinalawig ng Cambodia ang araw na maaaring manatili ang mga Pilipino sa kanilang bansa nang visa-free.

Batay sa anunsyo ng gobyerno ng Cambodia, visa-free ang mga Pilipino mula 21 araw hanggang 30 at maaari pang palawigin ng karagdagan pang 30 araw.

Gayunman nilinaw nito na maaari lamang humiling o mag-avail ng extension ng isang beses.

Kailangan lamang magpresenta ng valid at regular Philippine passport ang mga Pinoy.

Para naman sa mga Pilipino na nais mamalagi sa Cambodia ng higit 60 araw, kailangang mag-apply ng visa pagdating sa port of entry sa Cambodia.