36 patay sa heat wave sa India

0
51

Umabot na sa 36 ang patay sa India dahil sa nararanasang heat wave simula pa nuong Mayo.

Batay sa ulat, pumapalo ang temperatura sa 50.6 °C o 123°F.

Ito na ang naitalang pinakamainit at pinakamatagal na naranasan ang heat wave sa kanilang bansa.

Karamihan umano sa mga nasawi ay nasa edad 60 hanggang 80 taong gulang.