Legal process sa Recto Bank incident pinauubaya ng AFP sa DFA

0
58

Pinauubaya na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang legal na proseso kaugnay sa insidente ng pagbangga at pagpapalubog ng Chinese vessel sa bangkang pangisda ng mga Filipino sa West Philippine Sea.

Ayon kay Brig. Gen. Edgard Arevalo, tagapagsalita ng AFP, para maging patas ay kanila munang hihintayin ang panig ng China ukol sa insidente.

Kukunin umano rin nila ang pahayag ng mga tripulante para sa malalimang imbestigasyon.

Samantala, sinabi naman ni AFP Western Command spokesman Lt. Col. Stephen Penetrante, kanilang inaalam na kung sinadya ba o aksidente ang pagbangga sa bangkang pangisda ng mga Filipino.

Batay kasi aniya sa ulat na kanilang natanggap ay malayo sa aksidente ang nangyari dahil sa standard operating procedure na kapag may naka-angklang fishing vessel ay titigil ang kasalubong nito.