Aquino kinuwestyon si Duterte ukol sa pag-appoint kay Robredo sa ICAD

0
22

Kinuwestiyon ni dating Pangulong Noynoy Aquino si Pangulong Rodrigo Duterte ukol sa pag-appoint nito kay Vice President Leni Robredo co – chair ng Inter – Agency Committee on Anti – Illegal Drugs (ICAD).

Ayon kay Aquino, ini – appoint ng Pangulo si Robredo sa naturang posisyon tapos sasabihin nito na wala siyang tiwala dito.

Nakakapagtaka lamang aniya ang normal na ginagawa ng mga lider ay itinatalaga ang mga opisyal na sa palagay nila ay makakayang gawin ang trabaho.

Una nang sinabi ni Pangulong Duterte na itinalaga niya si Robredo sa isang non – cabinet position dahil wala siyang tiwala dito.