Finals ng Season 82 ng UAAP, target nang tapusin ngayon ng Ateneo Blue Eagles

0
13

Target ng Ateneo Blue Eagles na itala ang makasaysayang 16 game sweep sa game two ng Season 82 Finals ng UAAP kaharap ang UST Growling Tigers.

Isang panalo na lamang ang kailangan ng Blue Eagles upang makamit ang 11 nilang titulo.

Inaasahan magtutuloy-tuloy ang momentum ng Blue Eagles mula sa 99-77 nilang panalo sa game one.

Ang bakbakan ay magsisimula 4:00 mamayang hapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.