Sunday, May 5, 2024

Dating Pangulong Noynoy Aquino nagkasakit ng pneumonia

- Advertisement -

Inamin ni dating Pangulong Noynoy Aquino na nagkasakit siya ng pneumonia kamakailan.

Ito ang ginawang pagbubulgar ng Pangulo sa isang event kung saan marami ang nakapansin na bumagsak ang katawan nito.

Ayon sa dating Pangulo, nagsimula lamang sa ubo ang kanyang sakit hanggang sa naging pneumonia na ito.

Aniya, nabigyan na siya ng treatment ng kanyang doktor at nagpapagaling na siya sa ngayon.

Sinabi naman ni Aquino nakasalukuyan siyang naka-monitor sa mga nangyayari sa ating bansa gayundin ang sitwasyon sa ibang bansa tulad ng sa Middle East, trade war ng Amerika at China at ang kasalukuyang paggulong ng impeachment proceedings laban kay US President Donald Trump.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img