14 lugar sa bansa nagtala ng delikadong heat index

0
58

Aabot sa 14 na lugar sa bansa ang nakapagtala ng delikadong antas ng heat index, kahapon, Mayo 24.

Ayon sa PAGASA, naitala ang pinakamataas na heat index sa Cavite, kung saan pumalo ito sa 45.1 degree Celsius.

Ang heat index ay ang init na nararamdaman ng katawan na kadalasang mas mataas sa air temperature at aktuwal na temperatura.

Kabilang din sa nakapagtala ng napaka-init na temperatura ang Iba, Zambales na may 44.7 degree Celsius ; Negros, Oriental,  43 point 2 degree Celsius;  Butuan City sa Agusan del Norte na may 42.8 degree Celsius at Misamis Oriental, 42.7 degree Celsius.

Samantala, sa Metro Manila naman ay naitala ang mataas na heat index sa Pasay City, 42.7 degree Celsius; Port Area sa Manila na may 40 degree Celsius.

Maikukunsidera namang nasa danger category ang isang lugar na may heat index na 41 hanggang 54 degree Celsius.

—–