Apat na kasapi ng Baguio City Police Office binigyan ng parangal ni PBGen. Peredo Jr

0
8
photo courtesy of PRO COR

Baguio City – Pinangunahan ni PRO Cordillera Regional Director, PBGEN David K. Peredo Jr., ang pagbibigay ng parangal sa pamamagitan ng PNP Medals sa apat na tauhan ng Baguio City Police Office.

Ang apat na pulis ay tumanggap ng kanilang Medalya ng Kagalingan o PNP Medal of Merit sa ginawang Traditional Monday Flag Raising Ceremony na ginanap sa Masigasig Grandstand, ng Camp Major Bado Dangwa sa La Trinidad, Benguet.

Sila ay sina Police CPT GEORGE D JULIANO, JR at Police Cpl Cecilia A Talla ang pinarangalan ng PNP Medal bilang pagkilala sa ginampanang tungkulin sa matagumpay na buy-bust operation noong Marso 7, 2024, na naging sanhi sa pagkakahuli ng isang drug personality nakatala bilang High-Value Individual.

Kasama dito sila Police CMS Al Thomson D Napeek at Police Cpl Lourdes A Mablay ang binigyang parangal ng kaparehong medalya sa kanilang pagsisilbi ng warrant of arrest laban sa No. 7 Top Most Wanted Person sa City Level sa 1st quarter ng taong ito sa Brgy. East Modernsite, Baguio City, noong Pebrero a 15, 2024. (Jimmy Bernabe | Joel Cervantes)

(Source: PRO-COR)

Leave a Reply