Duterte may apela sa mga crematoriums

0
37

Umaapela si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga crematoriums sa bansa na panatilihin ang kanilang presyong sinisingil bago pa man pumutok ang coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon pa sa pangulo, siya’y nakikiusap dahil negosyo naman ito at kumikita pa rin sila ng pera.

Nagbanta naman ang pangulo na iiwanan na lamang ang mga labi ng COVID-19 patients sa mga pintuan ng mga crematoriums, sakaling magpataw pa rin ang mga ito ng malaking halaga.

Samantala, magugunitang una nang napaulat na naniningil ang mga pribadong crematorium ng P50,000 hanggang P90,000 sa kada labi ng nagpositibo sa COVID-19.