32 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Anti-Rabies Vaccination Para Sa Mga Aso’t Pusa Sa Baao, Sisimulan Na Sa Unang Araw Ng Marso

- Advertisement -

Inabisuhan ng Municipal Agriculture Office ng LGU Baao ang lahat na mga may alagang aso at pusa na magsisimula na sa darating na Marso 1, 2021 hanggang Abril 20, 2021 ang anti-rabies vaccination.

Ayon kay Ailene Bravo, Municipal Agriculturist, hindi na gagawin ang nakaugaliang house to house vaccination dahil sa banta ng COVID-19 sa halip, gagawin na lamang aniya ito sa bawat Sona ng 30 barangays.

Target ng programa na mabakunahan ang 90% total population ng mga pusa at aso sa lahat ng Barangay.

Ang bakuna para sa naturang mga hayop ay proteksyon aniya ng mga may-ari pati narin proteksyon ng komunidad at huwag na aniyang hintayin pang makakagat ng ibang tao o kapamilya bago kumilos at pabakunahan.

Samantala, siniguro naman ni Bravo na pati ang mga stray dogs na nahuhuli sa kalsada at dinadala sa dog pounding area ay nababakunahan.

Mensahe ni Bravo sa lahat ng pet owners, na maging responsable sa pag-aalaga at huwag hayaang maging dahilan ng mga naitatalang insidente sa kalye. (Melvin Barayoga, RPN DZKI Iriga OIC)

(Source: LGU Baao)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -