Revilla gumaling na mula sa COVID-19

0
5

Tinapos na ni Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. ang kaniyang self-quarantine.

Ito ay matapos na gumaling ng senador sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa isang Facebook post, nagpasalamat si Revilla sa lahat ng sumuporta at nagdasal para sa kaniyang paggaling.

Matatandaang noon lamang nakaraang buwan nang itakbo sa ospital si Revilla dahil sa pneumonia na dulot ng COVID-19. —ulat mula kay Cely Ortega-Bueno