Anne Curtis muling sasabak sa Marathon sa susunod na taon

0
57

Matapos ng pagsabak sa New York at London Marathons noong 2016 at 2018, muling tatakbo ang aktres na si Anne Curtis kanyang 3 World Major Marathon sa susunod na taon.

Sa kanyang Tweet, excited na kinumpirma ni anne ang pagsabak sa 2020 Tokyo Marathon na gaganapin sa March 1 ng susunod na taon.

Ayon sa Aktres, agad niya nang sisimulan ang training lalu’t pansamantala din aniya siyang tumigil sa pagtakbo.

Dagdag ng aktres hindi biro ang tumakbo ng aabot sa 42 point 2 kilometers.

Hindi naman binanggit ni anne ang paglalaanang Charity para sa kanyang pagsabak sa Tokyo Marathon.

Magugunitang, sumali si Anne sa London Marathon noong 2018 para sa UNICEF Philippines.