Pilipinas nananatili pa ring ligtas sa novel coronavirus — DOH

Pilipinas nananatili pa ring ligtas sa novel coronavirus — DOH

by Powered by DWIZ
58 views

Nananatili pa ring novel coronavirus free ang Pilipinas.

Ito ang inihayag ng Department of Health (DOH) matapos mag negatibo sa naturang sakit ang limang taong na bata sa Cebu na galing sa Wuhan, China.

Ayon kay Health Undersecretary Eric Domingo, may ilan pang kasong minomonitor sa lugar gayunman maituturing na mga suspected cases lamang ang mga ito.

Aniya ordinaryong respiratory infections lamang kasi ang pinapakita ng mga ito.

Sinabi pa ni Domingo na posibleng sumasabay ngayon ang panahon kung kailan kadalasang tumataas ang insidente ng ubo at sipon dahil sa pabago-bagong kondisyon ng panahon.

0 comment

Related Posts