Angat dam umabot na sa 170-meter mark – PAGASA

0
48

Patuloy ang pagtaas ng lebel ng tubig sa Angat dam.

Ayon sa 6:00AM bulletin ng PAGASA, umabot na sa 170.88 meters ang water level nito ngayong araw, mas mataas ito ng 0.70 meters kumpara sa 170.18 meters na naitala, kahapon ng umaga.

Tumaas din ang water level sa La Mesa dam sa 76.05 meters mula sa 75.86 meters kahapon.

Nadagdagan din ang tubig sa Ambuklao, Binga, San Roque at Pantabangan dam.

Samantala, kapwa naman bumaba ang water level ng Magat at Caliraya dam.