Tax exemption sa mga public school teachers inaasahang lulusot sa kongreso – teachers group

0
68

Umaasa ang isang grupo ng mga guro na madaling makalulusot sa kongreso ang panukalang magbibigay ng exemption sa mga entry level teachers sa mga pampublikong paaralan sa pagbabayad ng income tax.

Ito’y ayon kay Teachers Dignity Coalition (TDC) National Chairperson Benjo Basas ay dahil mismong si Senate President Vicente Sotto III mismo ang naghain ng nasabing panukalang batas.

Maliban dito, nakasalig din aniya ang panukala sa Magna Carta for public teachers o polisiya na naglalayong mapaganda ang kabuhayan ng mga guro sa pampublikong paaralan.

Ang hugot din naman ng panukala ni Senate President Sotto ay ito mismong magna carta for public school teachers is a 1966 legislation, noon pang panahon pa ni (dating) President Marcos. Pero hindi natutupad yung maraming provisions po nito and basically ang spirit nito ay bigyan ng pantay at oportunidad o  mas magandang kalalagayan economically and socially ang ating mga guro na this particular proposal is one of the ways para makamit yung sinasabi na ito na Magna Carta,” ani Basas.

Samantala, naniniwala naman si Basas na mas makabubuti kung maisasama rin sa panukalang income tax exemption ang mga guro sa pribadong paaralan.

Aniya, mas nakakaawa ang sitwasyon ng mga guro sa pribadong eskwelahan na kadalasan ay walang security of tenure, mababa ang sahod kumpara sa mga counterpart nila sa public school at may mas matagal na probationary period.

Unlike satin sa public schools talagang standardize, yun yung isang problema. Siguro baka ang pwedeng modification ng bill is lahat ng teachers, lahat ng education workers ay bigyan ng up. Magkano ba yung sweldo? Halimbawa, yung teachers rate na binabanggit  ni Senator Sotto na that would be the highest na hindi bubuwisan. Baka pupwedeng ganun na lang yung gawing limit, na kapag eto lang ang sweldo ng teacher walang buwis. Parang ganun po,” ani Basas.

Ratsada Balita Interview