Wednesday, May 8, 2024

Lahat ng transaksyon sa Camp Crame suspendido

- Advertisement -

Suspendido ang lahat ng transaksyon sa kampo Crame epektibo alas dose ng tanghali.

Ayon sa PNP Civil Security Group (CSG), ito ay upang magbigay daan sa kanilang paghahanda para sa ika isang daan at labing walong anibersaryo ng police service na inaasahang pangungunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay PNP – CSG Spokesperson Police Lt. Col.  Regina Abanales, kabilang sa sarado ay ang tanggapan na nangpoproseso ng License To Own and Possess Firearms (LTOPF), ibang pang clearance at maging ng bangko.

 Dagdag ni Abanales, mahigpit ding ipatutupad ang ‘no car, pass no entry policy’ sa kampo Crame bago ang tuluyang pagsasara ng lahat ng gate nito para sa mga sasakyan at pedestrians.

Mula tanghali, pupuwesto na rin sa kampo Crame ang mga miyembro ng Presidential Security Group para matiyak na magiging maayos at mapayapa ang nakatakdang pagtungo ng Pangulo doon.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img