Saturday, May 4, 2024

Albayalde pabor na isapubliko ang listahan ng ‘ninja cops’ —Dela Rosa

- Advertisement -

Pabor si Philippine National Police (PNP) Chief Oscar Albayalde na isapubliko ang listahan ng mga ‘ninja cops’.

Ito mismo ang kinumpirma ni Senator Ronald Bato Dela Rosa, kung saan sinabi nito na tama lamang na tukuyin na ang mga ‘ninja cops’ upang malinis, at ma-i-depensa ni Albayalde ang kaniyang sarili mula sa mga akusasyon.

Ayon pa kay Dela Rosa, taong 2014 nang ma-relieved si Albayalde bilang Provincial director ng pampanga, dahil ilan sa mga tauhan nito ang inakusahan na sangkot sa illegal drugs.

Dagdag pa ng senador, labis na ikinadismaya ni Albayalde ang pagkakadawit niya sa drug recycling dahil ’tila aniya binuhay ang isyung matagal na ang nakalilipas.

Una rito, mariing itinanggi ni Albayalde na siya ang tinutukoy ni dating PNP-CIDG Chief at ngayo’y Baguio City Mayor Benjamin Magalong na isang ‘4 star general’ umano ang sangkot sa ‘agaw bato scheme’ o ang drug recycling.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img