28.8 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

Lacson nanindigan na may pork insertion ang Kamara sa 2020 proposed national budget

- Advertisement -

Nanindigan si Senator Panfilo “Ping” Lacson na tadtad ng pork barrel ang 2020 proposed national budget.

Ito ay sa kabila ng mariing pagtanggi ng mga mambabatas, at sa panawagan ni Capiz Rep. Fredenil Castro na mang-hingi ng paumanhin ang senador.

Ayon kay Lacson, naudlot lamang ang plano ng Kamara kung saan may alokasyong P1.5-B pesos para sa mga deputy speakers, at P700-M para sa mga kongresista.

Aniya, kung hindi niya ito isiniwalat ay tiwala siya na itutuloy ito ng mababang kapulungan ng Kongreso.

Gayunman, sinabi naman ni Lacson na wala siyang planong mang-hingi ng paumanhin sa Kamara, sa halip ay dapat si Castro ang mang-hingi ng sorry dahil sa pang-aabuso nito sa buwis ng taumbayan sa mahabang panahon na nasa puwesto siya.

Kasabay nito, tiniyak naman ni Senate President Vicente Sotto III na maingat nilang rerepasuhin ang pambansang budget.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -