36.1 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

Albayalde nag-anunsiyo na ng kanyang ‘non-duty’ status

- Advertisement -

Babakantehin na ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Oscar Albayalde ang kanyang tanggapan kasunod ng kanyang kinahaharap na kontrobersya kaugnay sa ‘ninja cops’ issue.

Sa kanyang talumpati sa flag ceremony sa Camp Crame, inanunsyo ni Albayalde ang paghahain niya ng ‘non-duty’ status bilang hepe ng PNP, epektibo sa darating na Lunes.

Nilinaw naman ni Albayalde na mananatili pa rin siyang miyembro ng PNP at hihintayin ang pagtatapos ng kanyang termino sa ika-8 ng Nobyembre ngayong taon.

Kasunod ng naturang anunsiyo ni Albayalde, si Lt. Gen. Archie Gamboa naman ang magiging officer-in-charge ng Pambansang Pulisya.

Magugunitang ipinaliwanag ni PNP Spokesperson Police Brig. Gen. Bernard Banac, sa panayam ng DWIZ, na ang ‘non-duty’ status ay nangangahulugan ng paghahanda ng isang kagawad ng PNP para sa makapaghanda sa kanyang pagreretiro.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -