Albayalde matatanggap pa rin ang full retirement benefits

Albayalde matatanggap pa rin ang full retirement benefits

by Powered by DWIZ
0 comment 15 views

Matatanggap pa rin ng nagretirong si PNP Chief Oscar Albayalde ang full retirement benefits sa kabila ng pagkakaugnay nito sa usapin ng ninja cops.

Ayon kay PNP spokesman Police Brigadier General Bernard Banac, ito ay dahil wala namang nakasampang anomang reklamong administratibo laban kay Albayalde.

Aniya, ang naka pending na reklamo laban kay Albayalde sa Department of Jusrite ay wala naman epekto sa kanyang retirement.

Una nang isinama bilang isa sa mga respondents si Albayalde sa kasong isinampang criminal investigation and detection group kaugnay sa kontrobersiyal sa Pampanga controversial drug operation nuong 2013.

0 comment

Related Posts