P1.6M halaga ng marijuana nakumpiska sa QC

P1.6M halaga ng marijuana nakumpiska sa QC

by Powered by DWIZ
0 comment 12 views

P1.6M halaga ng marijuana ang nakumpiska ng mga otoridad sa 3 suspek sa Quezon City.

Ayon kay Quezon City Police District acting Director Col. Ronnie Montejo, arestado ang mga suspek na si John Paolo Flores, Ryan Erpelo at Kees Van Paul Lorenzo sa isinagawang buy bust operation sa Barangay Novaliches proper.

Nakuha sa mga ito ang nasa 12 kilo ng pinatuyong dahon ng marijuana at maliliit na bote na may lamang marijuana oil.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.

0 comment

Related Posts