Magalong kabilang sa umapela na muling buksan ang imbestigasyon sa SAF44

Magalong kabilang sa umapela na muling buksan ang imbestigasyon sa SAF44

by Powered by DWIZ
0 comment 10 views

Kabilang si Baguio City Mayor Benjamin Magalong sa mga umapela sa Office of the Ombudsman na muling buksan ang imbestigasyon sa mamasapano incident kung saan nasawi ang SAF44.

Sinabi ni Magalong, dapat mapanagot si dating Pangulong Noynoy Aquino dahil ang hindi nito pagsunod sa chain of command ay nagdulot ng pagkamatay ng mga SAF troppers.

Aniya, nag-ugat ito sa naging desisyon ni Aquino na hindi ipaalam kay dating PNP Officer in Charge Leonardo Espina sa halip ay pina-approve ang ‘oplan exodus’ kay dating PNP Chief Alan Purisima na nuo’y suspendido dahil sa kasong korupsiyon.

 

0 comment

Related Posts