Albayalde inaming marami pa ring pulis ang abusado, sangkot sa illegal drug transactions

0
14

Inamin na ni Philippine National Police (PNP) Chief Oscar Albayalde na marami pa ring mga pulis ang abusado, at sangkot sa transaksyon ng iligal na droga.

Ayon kay Albayalde, sa 17 buwan na panunungkulan niya bilang PNP chief, ginawa niya lahat ng kaniyang makakaya upang tuldukan na ang anumang uri ng katiwalian sa hanay ng pulisya, at panatilihing positibo ang imahe ng pulisya.

Aniya, bilang pinuno ng PNP kumpiyansa siya na napanatili niya ang integridad ng PNP sa pamamagitan ng pagsibak sa mga tiwaling pulis at ang patuloy na internal cleansing sa hanay ng PNP.

Kaugnay nito, umapela naman si albayalde sa publiko na tigilan na ang mga akusasyon sa PNP.

I admit that there are a number of policemen who are reportedly abusive, corrupt or involved in illegal drugs, but for the last 17 months since I became chief [of Police], I have strived to lead the 190,000 policemen to uphold the positive image of the PNP by sustaining the internal cleansing program initiated by my predecessor,” ani Albayalde.