Albayalde, Aquino nagkasagutan sa senate hearing kaugnay sa ‘ninja cops’

0
9

Namagitan si Philippine National Police (PNP) Chief Oscar Albayalde sa dismissal order ng mga sinasabing ‘ninja cops’ o ang mga pulis na nagrerecycle ng illegal drugs.

Ito mismo ang isiniwalat ni Philippine Drug Enforcement Agency Dir. Gen. Aaron Aquino sa pagdinig ng Senado sa hinggil sa “Agaw Bato scheme” sa hanay ng pulisya.

Bago ito, sa naturang pagdinig, umapela si dating PNP-CIDG Chief at ngayo’y Baguio City Mayor Benjamin Magalong kay Aquino na sabihin na ang kaniyang mga nalalaman hinggil sa naturang isyu.

‘Yung mga witnesses mismo ang nagsabi na sa laki, sa sobrang dami ng shabu na nakumpiska doon sa bahay, halos apat na tao ang nagbubuhat doon sa oversized na maleta at kitang-kita nila na pati ‘yung shabu tumutulo pa, and according to one of the witness, we say, an official of a security agency, no’ng pumasok siya kinunan niya ng picture pati ‘yung hagdanan,

 

Nakakalat ‘yung shabu do’n, ‘yung trail ng drugs, doon mismo sa hagdanan. It only showed that there was no proper handling of eveidence,” ani Magalong.

Dahil dito, sinabi naman ni Aquino na taong 2016 pa nang maki-usap sa kaniya si Albayalde na noo’y regional director ng Pampanga Provincial Police Office, para reviewhin ang kasong kinakaharap ng kaniyang mga tauhan sa ma-anomalyang drug operation noong 2013.

There was a time when General Albayalde called me, I cannot recall kung anong date ‘yon, kung anong specific month, but it’s between July and December 2016, nagtatanong siya ng status of the case nina Baloyo, and I told him na gusto kong ireview muna ‘yung kaso na ‘yon no’ng time na ‘yon,”

 

Sinabi niya sa ‘kin na, ‘sir, for the mean time baka pwedeng ipareview niyo muna ‘yan at ipacheck kasi gusto kong malaman kung ano talaga ang magiging result ng investigation na ‘yan’,”

 

Sabi ko ba’t mo tinatanong, ‘kasi sir mga tao ko ‘yan,’, so, sabi ko, I’ll ask my regional legal officer to review this,” ani Aquino.

Kaugnay nito, nanindigan naman si Albayalde na hindi niya inimpluwensiyahan ang imbestigasyon sa mga naturang ‘ninja cops’ bagkus inalam lamang niya ang estado ng mga kaso ng mga ito.

Aniya, mabuti ang kaniyang intenisyon dahil bilang tauhan niya ang mga nahaharap sa kaso ay nais niyang malaman kung ano ang status ng imbestigasyon.

Yes, I asked for the status. Only for the status. I could not possibly influence an RD or an upper class,”

Of course I would ask them because their relatives will also be asking me the fate of their father, the fate of this policemen,” ani Albayalde.