30.2 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

AJ Carpio handa nang tanggapin ang automatic nomination sa pagka-CJ

- Advertisement -

Handa na si Supreme Court (SC) Associate Justice Antonio Carpio na tanggapin ang posisyon sa pagka-punong mahistrado sa oras na magretiro na ang bagong talagang si Chief Justice (CJ) Teresita Leonardo-de Castro sa Oktubre.

Matatandaang itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si De Castro dahil umano sa seniorty rule.

Ayon sa ulat ng pahayagang The Philippine Star, tatanggapin na ni Carpio ang awtomatikong nominasyon sa kanya bilang pinaka-senior sa lahat ng mga mahistrado ng Korte Suprema.

Una nang tinanggihan ni Carpio ang otomatikong nominasyon sa kanya nang matanggal si dating Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno dahil sa delicadeza kasunod ng kanyang pagpabor sa quo warranto petition sa dating punong mahistrado.

Kung papalarin ay mag seserbisyo si Carpio bilang punong mahistrado hanggang sa kanyang pagreretiro sa Oktubre sa susunod na taon.

—-

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -