Radio Philippines Network
Headlines National News

Palasyo kinondena ang pagsabog sa Sultan Kudarat

Mariing kinondena ng Malakanyang ang pagsabog sa Isulan, Sultan Kudarat kung saan namatay ang dalawang (2) tao habang sugatan ang higit 30 iba pa.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, tinitiyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na mapapanagot ang mga nasa likod ng nangyaring pag-atake.

Aniya, gagawin ng pamahalaan ang lahat upang matukoy kung sino ang utak ng pagsabog at gagamitin ng pamahalaan ang buong lakas nito para maparusahan ang mga salarin.

Itinaas na ang full alert status ng Philippine National Police (PNP) sa buong Mindanao kasunod ng pangyayari.

Related posts

60 Pinoy na stranded sa India balik bansa na

Powered by DWIZ

Transnational Higher Education act nilagdaan na ni Duterte

Powered by DWIZ

Total ban sa importasyon ng karne ng baboy sa bansa iginiit

Powered by DWIZ