36 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

Prosecutor na nakipag-away sa mga traffic enforcer pinasasagot na ng DOJ

- Advertisement -

Pinasasagot na ng Department of Justice o DOJ ang prosecutor na nakipag-away sa mga opisyal at tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA na nakunan pa ng video at kumalat sa social media.

Pinagsusumite ni Justice Secretary Menardo Guevarra si Christine Estepa ng komento sa reklamo ng MMDA kaugnay sa insidente noong Agosto 14.

Sakaling magsumite ng komento, magpapasya anya ang DOJ kung ibabasura ang reklamo o kakasuhan si Estepa bilang bahagi ng procedural due process.

Magugunitang nakipag-away si Estepa at mister nito sa mga MMDA officer sa pangunguna ni Supervising Operations Officer Bong Nebrija dahil sa pagmamatigas ng piskal na ibigay ang kanyang lisensya matapos mahuli dahil sa illegal parking sa Quezon City.

—-

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -