African government sinarado na ang mga borders kontra COVID-19

0
37

Sinarado na ng African government ang mga borders nito para maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19).

Bukod sa pagsasara ng mga border kanselado na rin ang mga flight kasabay ng pagpapatupad ng mahigpit na quarantine requirements.

Nagdeklara na rin ng national state of disaster si South African President Cyril Ramaphosa kasabay ng babala sa posibleng epekto ng pagkalat ng virus sa pausbong pa nilang ekonomiya.

Nagpatupad na rin ng travel ban ang South Africa sa Italy, Germany, China at United States.