Kaso ng COVID-19 sa Maynila 3 na

0
29

Umakyat na sa tatlo ang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Maynila.

Ito ay makaraang makumpirma na residente ng Maynila ang dalawang nagpositibo sa virus.

Kabilang sa nadagdag sa kaso ang isang 23-anyos na babae na mula sa Sta. Ana.

Nagta-trabaho umano ito sa isang salon sa Greenhills sa San Juan City.

Isang 64-anyos na babae naman mula sa Sta. Cruz ang ikatlong kaso sa lalawigan at walang naitalang history ng pagbiyahe-abroad.

Kasalukuyan umano itong nasa isang ospital sa labas ng Maynila.

Samantala, kahapon lamang ay idineklara na ang state of calamity sa lungsod dahil sa banta ng COVID-19.