Saturday, May 4, 2024

AFP tiniyak na ‘di maaapektuhan ang relasyon sa PNP kaugnay sa nangyaring pamamaril sa QC

- Advertisement -

Tiniyak ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na hindi maaapektuhan ang kanilang relasyon sa Philippine National Police (PNP) matapos na mapatay ng isang pulis ang isang retiradong sundalo sa Quezon City, kamakailan.

Ayon kay AFP Spokesperson Brig. Gen. Edgard Arevalo, sang-ayon sila na judgment call ang ginawa ng pulis na si Master Sergeant Daniel Florendo kaya binaril at napatay ang retiradong sundalo na si Corporal Winston Ragos.

Gayunman, pananagutan naman aniya ng pulis ang naging aksyon nito sa sitwasyon at hindi ito magrereflect sa PNP bilang organisasyon.

Ang mahagala aniya ay magkaisa ang PNP at AFP sa gyera kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Samantala, nananawagan naman si AFP Chief of Staff Gen. Felimon Santos Jr. sa publiko na huwag palalain pa ang isyu.

Sa ngayon, nagkasa narin ng hiwalay na imbestigasyon ang AFP upang malaman ang totoong nangyari at masampahan ng kaso ang pulis kapag napatunayan na lumabag nga ito sa batas.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img