Sunday, May 5, 2024

AFP Chief Galvez tinanggap ang alok bilang consultant ng OPAPP

- Advertisement -

May naghihintay nang panibagong tungkulin kay AFP o Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Gen. Carlito Galvez.

Ito’y sa sandaling bitawan na ni Galvez ang kaniyang puwesto bilang AFP Chief sa Disyembre 12 kasabay ng kaniyang ika-56 na kaarawan.

Ayon sa AFP Chief, tinanggap niya ang alok sa kaniya ni Presidential Adviser on the Peace Process Secretary Jesus Dureza bilang Consultant ng OPAPP.

Sinabi ni Galvez, nais niyang ipagpatuloy ang kaniyang mga nasimulan sa pagkakamit ng kapayapaan sa Mindanao nang mapabilang siya sa Committee on Cessation of Hostilities.

Hindi na niya kakayanin pang masayang ang maraming buhay dahil sa deka-dekadang bakbakan at sa loob ng mahabang panahon, naging katuwang niya ang MILF para magtaguyod ng tiwala at kumpiyansa sa isa’t isa.

Sa panig naman ni MILF Chairman Al Hajj Murad Ebrahim, tiwala silang magkakaroon ng direksyon sa pamamagitan ni Galvez para makamit ang ganap na kapayapaan dahil buo ang sinseridad na ipinakita nito sa kanila para lamang makuha ang kanilang tiwala para sa pagkakaisa.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img