Mga pinoy na lulan ng inatakeng barko sa Middle East ligtas-DFA

0
42

Tiniyak ng DFA o Department of Foreign Affairs na ligtas at nasa maayos na kundisyon ang 32 filipino seafarers na lulan ng inatakeng oil tanker sa Strait of Hormuz.

Batay sa inilabas na pahayag ni Philippine Ambassador to United Arab Emirates Hjayceelyn Quintana, binisita na nila ang mga naturang Filipino Seafarers.

Anya, lubos ang pasasalamat ng mga ito sa mga ipinaabot na tulong sa kanila ng gobyerno.

Dagdag pa ni Quintana, pinoproseso na ng kanilang manning agency ang repatriation ng mga seafarer.

Matatandaang,Hunyo 13 ng atakihin ang 2 oil tanker sa Strait of Hormuz.