29.5 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

ABS-CBN hinimok ang Korte Suprema na maglabas na ng TRO kontra sa inilabas na kautusan na CDO ng NTC

- Advertisement -

Hinihimok ng ABS-CBN sa Korte Suprema na maglabas ng temporary restraining order (TRO) para sa pansamantalang pagpapatigil sa ipinatutupad na cease and desist order (CDO) na inisyu ng National Telecommunications Commission (NTC) laban sa network.

Paliwanag ng network, nasa P30-M hanggang P35-M kasi ang nawawala sa kanila sa bawat araw na hindi ito umeere.

Anila, kung hindi ito maaagapan ay maaaring mabawasan ang mga sweldo at benepisyo ng kanilang empleyado o di kaya’y pagkasibak sa mga ito.

Bagamat kinilala ng network ang mga hakbang ng Kamara para mabigyan ito ng provisional franchise hanggang Oktubre ay aabutin parin anila ito ng ilang linggo.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -