ABD triple ang ilalabas na loan sa developing member countries sa Asya vs. COVID-19

0
15

Triniple ng Asian Development Bank (ADB) ang ilalabas na loan sa mga developing member countries sa Asya para labanan ang coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay ADB President Masatsugu Asakawa na $13.5-B us dollars ang idinagdag ng adb sa paunang $6.5-B dollar package na una nang inanunsyo nito dahil inasahan ang mas matinding epekto sa ekonomiya ng COVID-19 pandemic.

Binigyang diin ni Asakawa na lumalawig ang epekto ng COVID-19 crisis kayat kailangan ding pondohan ng malaki ang kampanya para tuluyang masugpo ang nasabing virus.