IATF inirekomenda kay PRRD na bawiin ang travel ban sa health workers

0
21

Inirekomenda ng Inter-Agency Task Force on Infectious Diseases sa Pangulong Rodrigo Duterte na bawiin na ang travel ban sa health workers na mayroong trabaho sa ibayong dagat.

Sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na base sa kaniyang rekomendasyon uubra nang makaalis sa bansa ang health workers na may employment contracts sa ibang bansa.

Bagamat rekomendasyon pa lamang tiwala si Panelo na a aprubahan ito ng Pangulong Rodrigo Duterte.