Monday, May 6, 2024

Isang abogado ng SC hiniling na isapubliko ang medical records ni PRRD

- Advertisement -

Hiniling ng isang abogado sa Korte Suprema na pilitin ang Malakaniyang na isapubliko ang medical records ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kaniyang petisyon isinulong ni Atty. Dino De Leon sa Korte Supema ang pag iisyu ng writ of mandamus para mapilitan ang office of the president o ni Executive Secretary Salvador Medialdea na ilantad ang kopya ng pinakahuling medical at psychological/psychiatric examination results, health bulletins at iba pang health records ng pangulo simula nang manungkulan ito.

Nais din ni De Leon na mapuwersa ang Pangulong Duterte na magsumite ng dagdag na confirmatory medical at psychological/psychiatric examinations at kaagad isapubliko ang mga ito.

Sinabi ni De Leon na incoherent, unresponsive at mayruong unintelligible rumblings ang mga public address ng pangulo hinggil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) crisis bukod pa sa pagiging physically unwell nito o hindi maayos na katauhang pisikal.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img